KMJS 15 taon na: Jessica maraming pasabog

JESSICA SOHO

Kapag may istoryang kakaiba, nakatutuwa, o nakamamangha, ang sigaw ng sambayanan—“I-KMJS Na ‘Yan!” Kapag nga may kailangang tulungan at ipa-viral, ang kino-comment sa posts — “#KMJS”.  

Ang mga paksa nito, linggo-linggong top trending topic sa Philippines at pasok din sa Worldwide trends. Ayon naman sa NUTAM ratings ng Nielsen, ngayong 2019 nakuha ng programa ni Jessica Soho ang top spot sa pinakapinapanood na programa sa Philippine TV.  

Walang duda, Kapuso Mo, Jessica Soho ang numero unong kakuwentuhan ng mga Pinoy. At isang panibagong milestone na naman ang nakamit ng programa ngayong Nobyembre dahil ang KMJS, 15 taon na. Kaya ngayong Linggo, tampok ang mga istoryang tatak-KMJS.

Ngayong gabi na yan pagkatapos ng The Clash.

Read more...