Alden, Maine King & Queen pa rin ng Twitter; trending uli sa kanya-kanyang ganap

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

SUMALANG sa magkahiwalay na special events sina Alden Richards at Maine Mendoza kahapon.

      Kaya kanya-kanyang Twitter party na naman ang kani-kanilang fandom gamit ang magkahiwalay na hashtag, huh!

      Nasa San Jose Muzon si Meng para sa grand opening ng fourth branch ng global food chain na kanyang pag-aari at ineendorso. In full support ang Mendoza family sa okasyon.

     Sa mga nagtatanong naman, wala ang boyfie ni Maine na si Arjo Atayde o kahit na sinong member ng pamilya niya sa nasabing event.

      Samantala, si Alden naman ay nasa bandang Calamba, Laguna para sa launching ng 5th PHirst Park Homes. Nag-host at hinarana ng Asia’s Multimedia Star ang mga guests na dumating sa event.

      At tulad ng inaasahan, trending ang hashtag na gamit ng magkahiwalay na grupo ng fans nina Alden at Meng. Meaning, matindi pa rin ang powers ng respective supporters ng AlDub na talagang buhay na buhay pa rin ngayon.

                     

Read more...