Martin ‘wasak na wasak’ sa mga fans ni Alden

ALDEN RICHARDS AT MARTIN DEL ROSARIO

MASAMA man ang character ni Martin del Rosario sa Kapuso series na The Gift, ramdam naman ng mga mahal niya sa buhay ang malasakit ng aktor.

      Naospital kamakailan ang lola ni Martin at talagang naglaan siya ng oras para dalawin ito with matching  bulaklak pa.

      Ibinahagi ng kontrabida ni Alden Richards sa The Gift sa kanyang Instagram ang handog niya sa kanyang lola. Humiling din ng dasal ang award-winning Kapuso actor sa kanyang followers para sa mabilis na paggaling ni lola.

      Isa sa mga nagdasal sa mabilisang paggaling ng lola niya ang co-star niyang sa serye na si Divine Tetay.

Samantala, effective talaga ang pagiging kontrabida ni Martin sa The Gift dahil inis na inis na sa kanya ang manonood. May iba pa nga na halos murahin siya ng netizens dahil wala na raw siyang ginawa kundi ang pahirapan at inisin si Alden.

                   

Read more...