Arnell nakiusap sa mga sinehan para sa ‘Damaso’

KASAMA ang kanyang mga prodyuser ay naging panauhin namin ni kasamang Romel Chika sa “Cristy Ferminute” (92.3 News FM, FB Live ng Radyo Singko, Cignal Channel 6) ang magaling na komedyante-TV host na si Arnell Ignacio.

   Patuloy ang pag-iikot niya sa mga programa sa radyo at telebisyon para imbitahan ang ating mga kababayan na panoorin ang kanilang pelikulang “Damaso” na palabas pa rin hanggang ngayon.

   Nalulungkot lang si Arnelli at ang kanilang mga prodyuser dahil kakaunting sinehan ang nakuha nila, dalawang pelikula pa ang ipinalalabas sa mga sinehan, kasama ang “Damaso.”

   Sana raw naman ay mabigyan ng pagkakataong magtagumpay ang mga namumuhunan sa pelikula. Ibinigay nila ang lahat-lahat ng mga kailangan ng produksiyon, pero ganito lang pala ang mga sinehang maibibigay sa kanila.

   “Nalulungkot lang ako dahil heto ang mga taong naglabas talaga ng capital, hindi nila tinipid ang pelikula, dahil meron silang message na gustong ipahatid sa mga kababayan natin.

   “Pero kung pagkatapos lang nang ilang araw na exhibition ng movie, e, tatanggalan na agad kami ng mga sinehan, paano ‘yun mapapanood? Sana naman, e, mabigyan kami ng chance,” hinaing ng magaling na komedyante-TV host.

   Maraming pumapasok sa pagpoprodyus ngayon, nagkakatusak nga ang mga pelikula, pero ang masakit lang ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataong maipalabas ang kanilang mga proyekto nang mahaba-habang panahon para masilip ng ating mga kababayan.

Read more...