Status ng lovelife ni Bela: Forever single?

FEELING ng Kapamilya actress-writer na si Bela Padilla mas bagay siyang magkadyowa ng foreigner kesa sa Pinoy.

Ayon sa dalaga, kung may status ang lovelife niya ngayon baka raw “single forever” ang ipo-post niya sa social media. Sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula, ang action-drama na “Mañanita”, sinabi ni Bela na trabaho muna ang focus niya lalo na ngayong marami siyang ginagawang bago.

“I would be sad if 10 years from now, kung hindi ko nagawa itong mga ‘to tapos napanood ko, tapos sasabihin ko sa sarili ko, ‘sana ako na lang’ so mas lalo ako malulungkot,” sey ng aktres.

“Tsaka shooting is my me time. Comfort zone ko na ‘to, pag wala ako sa shooting, mag iisip ako kung kailan kaya ako magkaka shooting ulit. Ha-hahaha! Nag-eenjoy po ako ngayon masyado sa pelikula,” aniya pa.

At sa tanong kung open siyang magkadyowa ng foreigner, “Actually parang feeling ko nga parang mas doon ako bagay. Kasi ‘di ba very ano ako pati magsalita, very straightforward, opinionated so baka naman? Ha-hahaha!”

Showing na ang “Mañanita” sa Dec. 4 directed by Paul Soriano under Ten17 and Viva Films.

Read more...