RAFFY Tulfo earned the collective ire of netizens over his recent episode which showed a grandmother complaining against the teacher of her grand child.
In the episode, sinabi ng lola na labis na pamamahiya ang inabot ng kanyang apo matapos itong palabasin sa classroom ng teacher dahil lang naiwan nito ang class card.
For the grandmother and the boy’s mother, dapat tanggalan ng lisensiya ang teacher. Pinamili ni Raffy ang teacher ng dalawang bagay – harapin nito ang criminal case na child abuse o i-give up nito ang license to teach.
Doon na pumalag ang netizens. Masyado raw harsh ang “sentensiya” sa teacher. Masyado rin daw biased ang show. Humingi na ng tawad ang teacher pero bulag, pipi at bingi ang lola at mother ng bata.
At dahil na-on-the-spot, pinili na lang ng teacher na i-give up ang pagtuturo. With that, si Raffy ang napuruhan sa batikos sa social media. Nag-trending topic pa nga siya sa Twitter.
“I appreciate what u did. It can’t be deny that you had helped a lot. But this time you are out of line.”
“I appreciated your efforts for public service but in this episode it really shows how biased you are. Justice for the teacher.”
“You have done so many heroic acts but not this time. I’m so disappointed, well anyways, to err is human. Same to the teacher and same to you sir. In my own opinion, mali ka talaga this time. So unjust to the side of the teacher.”
“Avid fan niya ako pero now hindi na, nadidismaya ako sa kanya, hinihintay ko na pag ayusin niya yun pala siya pa nagsulsol sa lola at magulang, ayaw ko na manood ng palabas niya.”
“Nakakalungkot ang taong ito…sya sana ang boses ng naaagrabyado…laging nananawagan ng JUSTICE pero ang BIAS ng panghuhusga sa kapwa natin guro.”
“I’m a fan, before, but now? I dont think you deserve any respect from us teachers. One sided, hindi po katanggap tanggap ang ganitong pagtrato sa mga teachers.”
“Hindi po kau batas para sentensyahan ang nagkamali, at wala po kau karapatan para mamahiya ng taong mas may nagawang mabuti sa lipunan kesa po sa taong pinagtanggol nyo.”
One lawyer, Atty. Joseph Noel M. Estrada, posted this message para tulungan ang teacher: “Sa mga nakakakilala kay Teacher Melita Limjuco pakisabi maaari syang lumapit sa akin any time. Salamat po.”
Raffy Tulfo had us laughing when he stressed the panghihiya ng teacher sa student niya while obviously forgetting his brother’s labis-labis na pamamahiya sa isang public official before. ‘Di ba umabot pa ‘yun sa pagso-sorry ng brother niya?