Janella, McCoy kumasa sa I Can See Your Voice challenge: havey o waley?

SINA Janella Salvador at McCoy de Leon ang sasabak sa bonggang hulaan challenge ngayong Sabado ng gabi sa isa na namang espesyal na episode ng I Can See Your Voice.

Hosted by Luis Manzano, masusubukan ang powers ng “The Heiress” stars na sina Janella at McCoy sa panghuhula kung sinu-sino ang mga certified see-ngers at seen-tunado sa bagong batch ng mga contestants.

Alamin kung makakatulong o makakagulo lang sa dalawang celebrity guests ni Luis sa ICSYV ang mga walang kupas na paandar at pasabog ng mga Sing-vestigators.

Abangan ang “sapi” challenge ni Luis sa bagong Sing-vestigator na si Jobert Austria at kung matutuloy ba ang “kissing scene” nila ni Wacky Kiray on national TV. At siyempre, magpapatalbog ba si Bayani Agbayani sa kanyang mga banat na muling nagbabalik matapos mag-absent last week.

Tutukan din ang okrayan at laglagan nina Andrew E, Kean Cipriano at Alex Gonzaga habang pinapayuhan sina Janella at McCoy sa pagkilatis sa tunay na pagkatao ng mga contestants.

Mapili nga kaya ng mga co-stars ni Diamond Star Maricel Soriano sa horror movie na “The Heiress” ang tunay na see-nger sa episode tonight ng I Can See Your Voice o tulad din sila ng mga nakaraang celebrity guests na umuwing nganga?

Napapanood pa rin ang ICSYV tuwing Saturday night sa ABS-CBN after Maalaala Mo Kaya. In fairness, simula nang bumalik ang I Can See Your Voice sa Kapamilya Network ay hindi na ito natinag sa listahan ng mga most watched TV programs sa buong bansa, patunay na talagang inaabangan ng madlang pipol ang bawat episode ng show.

Read more...