Tuloy ang pagdating ng swerte kina Alden at Maine


BIG day ang araw na ito para kay Maine Mendoza.

Today kasi ang grand opening ng latest branch ng negosyo niyang food chain sa San Jose, Muzon.

Maagang nag-tweet si Meng kahapon upang ipaalam na bukas na ang bagong niyang food business as early as 6 a.m. at magtutuluy-tuloy ang kanilang selebrasyon after ng opening.

Tweet ni Maine, “Celebration and fun continu at Sarmiento Covered Court. We have prepared a lot of exciting things for you.”

Siyempre, proud na proud kay Maine ang kanyang fans and social media followers dahil another blessing na naman ang dumating sa kanyang buhay.

Comment ng ilang netizens, good karma ito sa dalaga dahil bukod sa napakasipag na ay tuluy-tuloy lang ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan.

Actually, pareho pa rin silang lucky ng kanyang dating ka-loveteam na si Alden Richards dahil kahit na nagkahiwalay ang kanilang AlDub tandem ay patuloy pa rin silang bine-bless dahil pareho silang mabait.

Read more...