Morissette mas lalo pang naging nega sa dramang ‘Please pray for our family’

MORISSETTE AMON

HINDI pa rin natatapos ang pakikipaggiyera ni Morissette Amon sa social media. Paborito pa rin siyang inisin ng mga bashers, kung anu-anong komento ang ibinabato laban sa kanya, lalo na tungkol sa kanyang pamilya.

Sa kanyang panghihingi ng paumanhin sa producer ng show na si Jobert Sucaldito na pinag-walkout-an niya ay sinabi ng singer, “Please pray for our family.”

Ang tindi ng naging balik sa kanya ng mga netizens, lalo na ng mga bashers na naaartehan sa kanya, talagang pinagsasalitaan ng mga ito ang singer.

Ang punto ng mga pumapansin kay Morissette ay tama lang namang manghingi siya ng dasal, gumagawa ng milagro ang maramihang panalangin, pero gumagawa ba naman siya ng paraan para makipag-ayos sa kanyang pamilya?

Komento ng isang basher, “Anong milagro ang mangyayari kung ni hindi man lang siya nagpapakumbaba sa family niya? Halatang-halata na sobrang nakapailalim na siya sa boyfriend niya!

“Humihingi siya ng prayers, pero wala naman siyang ginagawang action, ano ang magiging resulta nu’n, e, di wala rin? Sana, kasabay ng panghihingi niya ng dasal, e, nakikipag-communicate din siya sa family niya!

“Ganu’n ‘yun! Iasa ba sa ibang tao ang relasyon nila ng pamilya niya? Nakakaloka siya!” mahabang komento ng isang kababayan nating kumokontra sa mga sinasabi ni Morissette Amon.

Read more...