HUMINA ang bagyong Sarah habang tinatahak ang direksyon papalabas ng bansa.
Kung hindi magbabago ng bilis at direksyon, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas umaga (Sabado).
Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 430 kilometro sa hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras pahilaga-hilagang silangan.
Umaabot sa 85 kilometro ang bilis ng hangin nito malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 105 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.