DINAMPOT ng mga pulis ang isang lalaki para sa paggamit ng electronic cigarette o “vape” sa Lucena City, Quezon, Huwebes ng gabi.
Nadakip si Marq Joseph Virtucio, 21, sa bahagi ng Quezon ave. na sakop ng Brgy. 1, dakong alas-8:45, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Isinagawa ang pag-aresto bunsod ng direktibang ipinalabas ng PNP kaugnay ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na damputin ang mga gumagamit ng vape sa pampublikong lugar.
Kinumpiska ng mga pulis ang electronic cigarette ni Virtucio.
Dinala si Virtucio sa istasyon ng pulisya pero pinawlan din matapos maidokumento.
MOST READ
LATEST STORIES