Barbie-Kate sa ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday’

KATE VALDEZ AT BARBIE FORTEZA

Sina Barbie Forteza at Kate Valdez ang bibida sa TV remake ng classic Regal Films movie na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday”. In-announce na ng GMA 7 ang tungkol dito matapos ang naganap na storycon kamakailan.
Ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” ay ipinalabas noong 1984 na pinagbidahan nina Nida Blanca, Gloria Romero, Maricel Soriano at Snooky Serna.

Ang bagong seryeng ito ng Kapuso Network ay magsisilbi ring reunion project nina Snooky at Dina Bonnevie na bumida sa 1980 youth-oriented film na “Underage” sa ilalim pa rin ng Regal Films.

Makakamasa rin dito sina Jay Manalo, Teresa Loyzaga, Faith da Silva, Celia Rodriguez at Migo Adecer.

Ayon report, iikot ang kuwento sa dating mag-BFF na sina Amy (Snooky) at Sussie (Dina), na mabubuntis ng isang lalaki – si Joaquin (Jay). Dito na magsisimula ang matinding galit nila sa isa’t isa hanggang sa ipanganak na ang kanilang mga anak na gagampanan nga nina Barbie at Kate.

Read more...