ITO ang nasambit ng anak ng OFW matapos marinig ang kuwento ng Nanay niya na nasa Hong Kong.
Sinabi ng inang OFW na nanganganib anya ang kaniyang trabaho at maaaring mawalan siya ng hanapbuhay.
Pero walang kaabog-abog na agad binanggit ng anak na dalaga na, “E di hanap ka na lang ng ibang work sa ibang country.”
Nagulat ang OFW sa naging sagot ng anak. Hindi niya inaasahan i-yon.
Nagsikip anya ang kaniyang dibdib.
Gayong sa katotohanan pa nga, hindi na rin anya siya nakakatulog dahil sa pangambang mawalan nga siya ng trabaho.
Isa kasing single mother ang OFW at may apat na anak.
Wala na ring pakialam sa kanila ang tatay ng kaniyang mga anak bukod sa wala rin naman itong hanapbuhay.
Lalo ngang lumala pa ang sitwasyon sa Hong Kong ngayon.
Gayong wala pa namang direktiba ang pamahalaan na magpauwi ng mga OFW natin mula doon.
At kung sakaling pauuwiin nga sila, ano ang maaaring asahan nila sa kanilang pagbabalik ng bansa?
Tiyak na pag hahanapan nila ang pamahalaan kung ano ang ginagawa nilang paghahanda sa napipinto nilang pag-uwi sakaling sumiklab pa nga ng husto ang kaguluhan doon.
Sinasabing dumaranas na ng recession ang Hong Kong matapos ang 10 taon. May malalaking mga negosyo ang napabalitang mag-aalisan na rin ng HK.
Maging sa Pilipinas, itinaaas na rin ang tra-vel advisory na huwag munang bumiyahe ng HK.
May ilang mga report na nagbebenta na rin ng mga ari-arian ang ilan doon at nagpahiwatig na lilipat na lamang ng ibang bansa.
Mahirap para sa mga mamamayan ng Hongkong ang kanilang kalagayan ngayon na biglang bigla na lamang ang naturang mga pangyayari.
Pero tila yata simple lang ang solusyon ng anak ng ating OFW, ang lumipat na lang ng ibang country.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapa-kinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com