KUMPARA sa mga nakalipas na panahon ay mas health concious na ngayon ang mga tao.
Patunay rito ang pagdami ng mga wellness centers, lalo na ng mga gym.
Hindi lamang para magpaganda ng katawan kundi para maging maayos ang kalusugan kaya nagpupunta sa gym ang ilan sa atin.
Kamakailan ay isang reklamo ang ating natanggap laban sa
Anytime Fitness partikukar na sa kanilang Pioneer branch sa Pasig City.
Ayon sa reklamo ng isa nilang club member na si Rommel, buwan ng Pebrero ngayong taon nang kanselahin niya ang membership sa nasabing gym.
Pero nagpatuloy pa rin ang kanilang pagkuha ng monthly payment kay Rommel sa nakalipas na ilang buwan gayung
may acknowledgment mula sa Pioneer branch na nagkaroon nga ng deduction mula sa credit card ng complainant.
Makalipas ang ilang buwan at patuloy sa pagpa-follow up si Rommel, pero puro pangako lang diumano ang ibinibigay sa kanya ng club manager
ng Anytime Fitness Pioneer branch.
Hanggang sa ngayon ay walang matinong
tugon ang nasabing health center kung kailan nila maibabalik ang ikinaltas sa credit card ni Rommel na ngayon ay naghahanda na ring maghain ng reklamo sa Department of Trade and Industry.
Ang tanong ay ilan pa kaya ang katulad ni Rommel na nabibiktima ng kapabayaan ng ilang mga tauhan
ng mga kumpanya na nangangako ng magandang serbisyo.
Sana lang ay huwag kunsintihin ng Anytime Fitness ang
kapabayaan ng ilan sa kanilang mga tauhan dahil malalagay lang sa alanganing sitwasyon ang pangalan ng institusyong ito na kilala sa pangangalaga ng kalusugan.
Bukas ang column na ito para sa tugon ng Anytime Fitness hingil sa reklamong ito maliban na lamang kung talagang hindi sila tumatanggap ng mga puna sa kanilang pagkakamali.