Sinagot ni Bea Alonzo ang tanong kung naka-move on na siya sa break-up nila ni Gerald Anderson.
Actually, she was asked kung ano ang secret niya at parang she’s unaffected sa controversial split nila ni Gerald.
“Tapos na ako doon, okey na ako. Okay na ako. Saka sobrang dami ng blessings na dumating. Parang nag-360 (degrees turn),” say ni Bea sa presscon ng latest movie niyang “Unbreakable” kasama sina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban.
Say ni Bea, she realized one thing after the separation, “Ang daming dapat kong ipagpasalamat.
Na-realize ko, ang dami palang mas importante sa buhay ko, hindi lang dyowa.”
When asked if she has found a new boyfriend, Bea said, “Wala pa naman po. Parang magpapahinga muna ako. Parang hindi ko pa kaya.”
Humirit ang writer na nagtanong sa kanya about Gerald and said, “Hindi ka pa nakaka-move on?”
“Hindi naman kailangang magka-boyfriend para patunayang naka-move on ka na,” sagot ni Bea na tawa nang tawa sa tanong sa kanya.