Sulit Ang P50M cauldron kung mga corrupt ang ipanggagatong sa apoy! – Ethel Booba

ETHEL BOOBA

SINAKYAN ni Ethel Booba ang controversial cauldron na nagkakahalaga ng P50 million.

“Sulit ang cauldron kung corrupt officials ang gagawing pang gatong sa apoy. Charot!” tweet ni Ethel.

Siyempre, marami ang nag-react. Lahat sila ay pabor kay Ethel.

“Prituhin ang mga korap sa kanilang sariling mantika dun sa kalderong overpriced.”

“After the corrupt, pwede isunod yung mga nagkakalat ng Fake News. Then yung mga bulag/pipi at bingi sa katotohanan.”

“Hahaha! Huwag panggatong madam sila yung isaing sa kaldero gawing alay para manalo ang Pilipinas sa SEAG. Charaught.”

“Sa dami ng mga corrupt mukhang di kakayanin ng P50 M cauldron na yan.”

“Ang dami nila baka year long celebration to. di sila tatablan… kakapal ng mukha e.”

Read more...