Tuloy na tuloy na ang TV remake ng award-winning movie ni Nora Aunor na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” na mapapanood sa GMA 7. Bibida pa rin dito si Ate Guy with Mylene Dizon and Kyline Alcantara.
Mylene will portray Nolie while Kyline will play Maggie na parehong ginampanan ng Superstar sa movie version nito kung saan nakatambal niya si Tirso Cruz III. Si Ate Guy naman ang gaganap bilang nanay ni Mylene as Cedes.
Makakasama rin dito sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasser Marta at Divina Valencia directed by Laurice Guillen.
MOST READ
LATEST STORIES