Deadly wet wipes ipagbabawal sa Baguio City

SUPORTADO ng EcoWaste Coalition ang panukala na ipagbawal ang wet wipes na mayroong mapanganib na kemikal sa Baguio City.

Ayon sa EcoWaste may mga wet wipes na delikado sa kalusugan ng mga sanggol.
“The use of wet wipes containing banned substances may result to allergic contact dermatitis, an itchy rash, on the very sensitive skin of babies,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste na pumunta sa Baguio City para sa konsultasyon ng binabalangkas na ordinansa.

Si Baguio City Vice Mayor Faustino Olowan ang naghain ng panukala.

“Adopting and enforcing the ordinance will hopefully stop the sale in Baguio City of these non-compliant wet wipes that could put the health of babies at risk,” dagdag pa ni Dizon.

Ayon kay Dizon ang wet wipes ay dapat regulated nilang cosmetics ng Food and Drug Administration.

Alinsunod sa ASEAN Cosmetic Directive ang mga wet wipes ay hindi dapat lagyan ng Benzylparaben, Isobutylparaben, Isopropylparaben, Pentylparaben, Phenylparaben, at Methylisothiazolinone (MIT).

“After a reasonable grace period, the ban on the use of five parabens in cosmetics took effect on January 1, 2016. while the ban on MIT for leave-on cosmetics commenced on 1 September 2018,” ani Dizon. “Sadly, wet wipes containing these banned ingredients are still sold in the market.”

Kung hindi umano sigurado sa ginagamit na wet wipes makabubuti na gumamit nalang ng cotton balls na babasain ng maligamgam na tubig sa pagpunas sa mga sanggol.

Read more...