Bagyong Sarah lumakas, palabas

LUMAKAS ang bagyong Sarah habang tinatahak ang direksyon palabas ng bansa.

Humina naman at naging low pressure area na lamang ang bagyong Ramon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyong Sarah ay iniakyat na sa Severe Tropical Storm category.

Sa Sabado inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Sarah.

Ito ay umuusad ng 10 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran. Kahapon ang bagyo ay nasa layong 225 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Subic, Zambales.

Ang hangin nito ay umaabot sa 100 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 125 kilometro bawat oras.

Read more...