Duterte ipinag-utos ang ban sa e-cigarettes

IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang ban sa paggamit ng e-cigarettes kasunod ng ulat sa unang kaso ng dalagita na nagkaroon ng sakit dulot ng vaping.

 “I will ban it. I will ban it, the use and the importation. I hope everybody is listening. Paki-relay na lang. You know why? Because it is toxic. And the government has the power to issue measures to protect public health and public interest,” sabi ni Duterte sa isang press conference Martes ng gabi.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagkasakit ang isang dalagita sa baga dahil sa e-cigarettes.

“Now itong vaping sabi nila is electronic. Don’t give me that s***. Better stop it because sa — I will order your arrest if you do it in a room. I am now ordering the law enforcement agencies to arrest anybody — anong tawag niyan? — vaping in public. That is like smoking. You cannot do it inside a room. That’s full of s***. You contaminate people na hindi pa pala panahong mamatay,” ayon pa kay Duterte.

Naniniwala din si Duterte na mas mapanganib sa kalusugan ang paggamit ng vaping.

“Mabuti pa ang sigarilyo kasi they confirmed toxic thing that causes harm to people. Nakalagay diyan ‘yung nicotine. Itong vaping it contains nicotine and other chemicals that we do not know. It has not passed the FDA — Food and Drugs,” paliwanag pa ni Duterte.

 

Read more...