TAHASANG sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang tiwala kay Vice President Leni Robredo sa kabila ng pagkakatalaga sa kanya bilang drug czar.
“Ang problema kasi dito ganito. I cannot trust her not bec — not only because — not only ha — so ‘pag nag — not only because she is with the opposition. I do not trust her because I do not know her,” sabi ni Duterte sa isang press conference sa Malacanang, Lunes ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na hindi rin niya ibabalik si Robredo bilang miyembro ng kanyang Gabinete.
“Ang problema kay Robredo is this. Right after she was appointed, she began talking publicly about inviting the Human Rights Commission, she was talking to the United Nations, she would want to talk to the European, at marami na siyang pinagsasabi,” ayon pa kay Duterte.
“Kung ganun sabi ko, I cannot appoint her as a Cabinet member. If that is the way her mouth behaves, there can never be a position for her. Kasi kung Cabinet member sana siya you know upon the authority because she would be an alter ego of me,” dagdag ni Duterte.
Nanindigan din si Duterte na hindi dapat ibigay kay Robredo ang mga pangalan na nasa narco list.
“Hindi ko alam kung sino ang kausap niya noon, kung sinong mga politiko, kung sinong mga tao, probably… You know one of the biggest ah — one — the biggest actually of a drug manufacturing apparatus was in Bicol, sa Naga. But not ano I’m sure but in Bicol,” giit pa ni Duterte.
Kinontra rin ng pangulo ang pahayag ng kampo ni Robredo na bilang bise presidente, may kapangyarihan siyang malaman ang mga nasa narco list.
“I disagree with that statement that just because she is a vice president, she has already a clearance by virtue of the fact that she is the vice president. No sir, I disagree with you. That cannot happen,” sabi pa ni Duterte.