Duterte ipinag-utos ang suspensyon sa rice importation

INATASAN ni Pangulong Duterte si Agriculture Secretary William Dar ang suspensyon ng pag-aangkat ng bigas matapos naman ang ulat na naungusan na ng Pilipinas ang China sa dami ng importasyon nito.

Yes. Because it is harvest time,” sabi ni Duterte sa isang press conference Martes ng gabi.

Nauna nang napaulat na nahigitan na ng Pilipinas ang China sa pagbili ng bigas sa ibang bansa.

“Itong sitwasyon, devil and the deep blue sea. Kung walang pagkain, halos kabahan ang mga tao. Nagra-riot na. Tapos sige na magugutom na ang mga tao, wala ng bigas, next month wala ng kainin. Mahal na,” dagdag ni Duterte.

Hindi naman sinabi ni Duterte kung hanggang kailan mananatili ang pagbabawal sa pag-aangkat ng bigas.

Inamin naman niya na pansamantala lamang ang suspensyon.

“What is the other remedy? Nothing. I cannot stop tariffication. Why? To erase corruption. ‘Yun nga ang hinihintay kong opportunity eh. Dumating talaga. Because everybody — well not everybody but there are some — somebody na ayaw rin kasi masira ‘yung negosyo nila. ‘Yung mga rice importers, negosyo nagpapabili ng… Ayaw niyan,” giit ni Duterte.

Ani Duterte kinakailangan ang importasyon para matiyak na may sapat na suplay ng bigas sa bansa.

“Mag-import tayo as a buffer because their produce will not be enough for the consumers — the 110 million Filipinos eating rice,” sabi pa ni Duterte.

Read more...