JBK boy band umariba nang bongga dahil sa ‘Anestisya’

Sikat na ang JBK which was the name for the hottest trio composed of Joshua Baluyot, Bryan del Rosario and Kim Ordonio. Biggest achievement nila ang pagiging semi-finalist sa reality competition show na The X-Factor UK.

Now, their single “Anestisya” produced by Rider PH Studios composed by colleague Jojo Panaligan (na isa ring broadsheet entertainment editor) is making rounds sa airwaves and in so short a time ay nasa Top 5 na ito sa charts.

“Nagkakilala kami sa mga workshop. ‘Yung nagsasama-sama ‘yung mga magugulo. Kami ‘yung magugulo. So kaming tatlo ang nagsama-sama. After noon, si Brian tinext niya kami kung puwede kaming mag-gig sa isang event na kailangan daw tatlong tao.

“Since kami ang kaibigan ni Brian, kami ang tinext niya. Kami ni Kim nag-aaral pa kami so pangraket lang talaga. After ng event na ‘yun, maraming nagbigay sa amin ng calling card kasi gusto nila student,” kuwento ni Joshua.

“Natuwa kami. Hinintay kami ni Bryan na gumradweyt kami. ‘Pag-graduate namin, full time na kami sa singing career,” dagdag pa ni Joshua.

Sumali sila sa X-Factor UK and they were lucky enough na makatuntong sa semi-finals.

“Masaya pero mahirap ang process kasi known siya worldwide so parang kami bilang fans we tried lang naman na baka sakali makapasa. Sa awa naman ng Diyos, pumasa naman kami. Nag-start ang pagsubok noong kailangan naming mag-produce ng money kasi kami talaga ang gagastos papunta doon. Maraming nangyari,” sabi ni Joshua.

Big struggle para kanila ang X-Factor according to Kim, “Naghanap kami ng company na mag-sponsor sa amin and then after ng competition magso-show kami para sa kanila,” say ni Kim.

Read more...