Agot napamura sa P50M cauldron ng SEAG: Kaya marami nang ayaw magbayad ng tax!!!


NAG-REACT si Agot Isidro sa controversial issue ng cauldron (monument, symbol) na gagamitin sa SEA Games na nagkakahalaga ng P50 million all in all.

“Million and more reasons for everyone to not want to pay our taxes. Sa gaguhan na ganito napupunta ang buwis natin. Game ka pa ba, Pilipinas?”

That was Agot’s reaction sa Twitter sabay post ng article titled “Million-dollar SEAG cauldron.”

Nag-react ang followers ni Agot and most of them were in agreement with the singer-actress.

“Ang kakapal na talaga ng mga muka nila!! Grabe. That could be used to provide clean water in so many places! What about improving government hospitals and upgrading it’s equipment+ better staffing ratios? What about our farmers? They need better funding too! SMH right now.”

“Kaya parating kulelat ang Pilipinas sa lahat ng international sporting events, yung pera ng gobyerno wala o katiting lang ang umaabot sa mga atleta, most of the money nauuwi lang sa korupsyon. Tapos pag may nanalong Pilipino, lahat ng corrupt papa-photo sa medalist. Kapal talaga!”

“Sana sumagi sa mga isip nila ang mga taong biktima ng kalamidad. Ang perang binayad namin ng tax ay pinagpaguran po.”

 

Read more...