LPA magiging bagyo tatawaging Sarah

MAGIGING bagyo ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Tatawagin itong bagyong Sarah na kahapon ay nasa layong 720 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Samantala nagbago ng direksyon ang bagyong Ramon na sa Babuyan Group of Island inaasahang magla-land fall kagabi o ngayong umaga.

Inaasahan na hihina ang bagyo kapag nag-land fall at posibleng maging isang LPA na lamang ito.

Read more...