Member ng Ben & Ben hindi nagpatalo sa depresyon; kinarir ang pagpapapayat

By Bandera November 20,2019
share this

Member ng Ben & Ben hindi nagpatalo sa depresyon; kinarir ang pagpapapayat

By Bandera November 20,2019
share this

 

PAOLO BENJAMIN GUICO NG BEN & BEN

MARAMING na-inspire sa pag-amin ng Ben & Ben member na si Paolo Benjamin Guico tungkol sa mga pinagdaanan niyang hirap para paglabanan ang kanyang mga problema.

Inamin ni Paolo sa kanyang Instagram post na dumanas din siya ng depresyon at kung anu-ano na ang kanyang naiisip at nararamdaman. Ngunit aniya, talagang lumaban siya at hindi nagpatalo sa kanegahan ng buhay.

Nag-post sa IG ang sikat na sikat na ngayong miyembro ng Ben & Ben ng kanyang litrato kung saan proud na proud niyang sinabi na napagtagumpayan niya ang pagpapapayat. Napakalaki na nga ng nabawas sa kanyang timbang kaya naman napakaraming na-inpire sa kanyang journey to health and wellness.

Narito ang caption ni Paolo sa kanyang IG photo: “Months ago, i wasn’t in a good place. i was heavy spiritually, emotionally, and mentally.

“Change began when i surrendered it all to God, and lived a life of faith, trust and belief that things will turn out fine. I embraced a more active lifestyle to get to a better mental state. the weight loss, and the rest followed. i want to share with you more of my story in the following days.

“Blessed to be surrounded by loving family, friends, bandmates, you (the fans), and my love @bealorenzomusic who was there for me even at my lowest.

“Point is: to you who is struggling right now, it is never too late to turn things around and become the best version of yourself. let’s lift each other up, not pull each other down.”

Bago ito, nag-post muna ang singer sa IG ng litrato kung saan makikita ang dati niyang itsura, may mensahe itong, “BRB gonna lose weight. Will post tonight.”

Narito naman ang ilang comments ng fans ng Ben & Ben sa naging mensahe ni Paolo.
Sey ni @tierrachec, “Thank u!!! I am at my lowest, and u encourage me to do more!”

Para naman kay @cdianneramos, “You and the B&B truly is my inspiration. Thank you! Lovelots! Yes, letsl lift others up!”

Komento ni @roxstarr12, “On my way to weight loss and mental state improvement too! Kudos Pao!”

“Thank you po sa musika nyo. your such an inspiration. Kayo po dahilan kung bat nagkaroon ng pagasa ang buhay ko, At naging matatag sa lahat ng pagsubok na hinaharap at haharapin ko. Salamat Ben&Ben,” @reybarcela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending