Kineri ni Vina Morales ang character niya bilang Sisa sa historical musical film na “Damaso” mula sa direksyon ni Joven Tan. Ito ang unang musical movie ng aktres kung saan deglamourized ang kanyang role.
Mula sa “Noli Me Tangere” ang character niyang si Sisa na nabaliw sa paghahanap sa mga anak na sina Crispin at Basilio.
Relate na relate ang singer-actress sa role niya bilang ina rin. Kahit nasa kanya ang nag-iisang anak, batid ng publiko ang pinagdaanan niya para mapunta sa kanya ang custody ng bata.
Ang bongga sa papel ni Vina, hindi lang siya umaarte sa movie kungdi kumakanta rin. Ito ang dahilan kung bakit tinanggap niya agad ang project
“I am really proud that I am part of this film na may mahalagang mensahe at powerhouse ang cast. It’s an honor for me na mapabilang sa proyektong ito,” pahayag ni Vina.