Gladys engaged na rin sa producer na dyowa: Ako ang pinakamaganda kagabi!

LEON SUMAGUI AT GLADYS GUEVARRA

After ng engagement nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, isa pang celebrity ang malapit na ring ikasal.

Engaged na rin ang TV host-comedian na si Gladys Guevarra sa kanyang boyfriend producer na si Leon Sumagui.

Ibinandera ng komedyana ang good news sa kanyang Instagram account with their photo together.

“Walang pagsidlan ang saya ko kagabi. Ako ang pinaka magandang babae kagabi. Ako na pinaka makinis, pinaka matangkad, pinaka mamahal, pinaka babae sa lahat lahat. Thank you Da’ sa magandang flowers ko na bigay mo kagabi. I love you,” caption ni Gladys sa kanyang IG post kung saan makikita ang bouquet of flowers at ang isa sa mga eksena sa ginawang proposal ni Leon.

Bumaha naman ng mensahe ng pagbati sa social media para sa engagement ni Gladys. Kabilang sa mga nag-congratulate sa kanila ni Leon ay ang mga kasamahan niya sa Sunday variety show ng GMA na Sunday PinaSaya tulad nina Jak Roberto, Lovely Abella at ang Asia’s Nightingale si Lani Misalucha.

Wala pang binanggit si Gladys sa detalye ng kanilang kasal.

Read more...