Beking komedyante epal na inggitera pa; magaling sumipsip kaya nakaraket sa TV

MARAMING naaaliw sa isang becking personalidad. Pero mas marami palang katrabaho niya ang naiinis sa medyo nakikilala nang nagkokomedyang becki.

Hindi pa man niya naaabot ang kanyang pangarap na maging kasingsikat din ng isang kapwa niya becki ay nagpapalutang na siya ng kakaibang ugali.

Chika ng isang source, “Kahit naman kasi nu’ng nagse-set pa siya sa isang comedy bar, e, marami nang hindi nagkakagusto sa attitude niya! May pagkaepal ang bakla, saka inggitera!

“Kapag may kasamahan siyang nabibigyan ng chance sa TV, e, naka-react na agad siya, may halong pagiging sarcastic ang mga sinasabi niya.

“Kaya gumawa siya talaga ng paraan na maging ka-close ang isang sikat na gay comedian para matupad din ang mga pangarap niya!” unang kuwento ng impormante.

Nagkaroon naman ng magandang resulta ang pagiging sipsip niya sa sikat na becki, nagkaroon siya ng regular show, bukod pa sa pagiging panauhin niya sa ibang programa ng network.

Balik-chika ng aming source, “‘Yun talaga ang dream niya, ang sumikat sa TV, matagal na niyang pangarap ‘yun, kaya lang, walang chance.

“E, maganda ang timing, nangailangan ng isang becki sa isang show, ayun, nakatiyempo naman siya. In fairness, panalo rin naman ang comedy niya, nilalait niya ang sarili niya mismo, kinakagat ‘yun ng televiewers.

“Kaya lang, maraming hindi nagkakagusto sa kanya, mismong mga kasamahan pa niya, mas lumutang daw kasi ang kanyang kaangasan at pagiging inggitera.

“Halatang-halata ang pagsisipsip niya sa sikat na becki, talagang halos magpaka-faney na siya sa sinisipsipan niya, gagawin niya ang lahat, maabot lang niya ang pangarap niyang sumikat!” dagdag na kuwento pa ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, madaling mahulaan kung sino ang nagmamaangas na becking ito ayon sa kanyang mga kasamahan.

“Makislap ang anit niya, may nawawala sa kanyang ulo! Siya na ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Read more...