Kris: Matagal kong pinagdasal na lumakas ang katawan ko…

KRIS AQUINO, BIMBY AT JOSHUA

Ilang araw nagpahinga ang Queen of All Media na si Kris Aquino base na rin sa payo ng kanyang mga doktor.

Pinaghahandaan kasi ngayon ng TV host-actress ang ilang trabahong natanguan para sa Cornerstone talent management na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Kamakailan ay sumama siya sa pagbabakasyon ng mga anak na sina Joshua at Bimby para kahit paano’y makasama niya ang mga ito sa kanyang pamamahinga.

Pero siyempre, hinayaan din niyang makapamasyal ang mga anak at muling gumawa ng kanilang special memories together. Nag-enjoy ang magkapatid sa pagbisita nila sa Universal Studios, Hollywood.

Nag-post si Kris ng litrato nilang mag-iina sa Instagram na kuha sa loob ng eroplano. Nilagyan niya ito ng caption na, “So blessed to have given kuya Josh & Bimb the happy memories they deserve… i had some health issues while abroad, but overall i look forward to all that’s coming with renewed faith & a heart filled with peace & gratitude.

“It’s part of my life that i know when to recognize what my body needs & obey my doctor- so total rest for several days and i’ll be ready to work…

“Matagal kong pinagdasal na lumakas ang katawan ko ng sapat para kaya ko na yung ‘work calendar’ na inayos ng @cornerstone w/ @alvingagui and the rest of my team for me. #positivity #lovelovelove!”

Read more...