Nakatitiyak kaming tumambling na at basag na basag ang bashers ni Arjo Atayde sa bagong litratong lumabas kung saan magkasama sila ni Maine Mendoza na nag-dinner with his family sa isang exclusive restaurant nitong Linggo.
Isa si Arjo sa endorser at bisita sa ginanap na opening/blessing ng Sylvia Sanchez by Beautederm na pag-aari ng kapatid niyang si Ria Atayde sa 68 Roces Avenue, cor. Scout Reyes, Quezon City.
Pagkatapos ng event ay biglang umalis na ang aktor na nagpasintabi naman sa mga gustong kumausap sa kanya.
Nabanggit naman ng nanay niyang si Ibyang na, “May lakad ‘yun, susunduin niya si Maine!”
Inisip na lang namin na may date ang dalawa kaya nagmamadali.
Hanggang sa ipinost mismo ni Sylvia ang litratong kasama nilang pamilya si Maine sa dinner nila.
Ang caption ng mga litrato, “Fun dinner last Sunday. Sunday is famday.Love you kiddos. #family #happiness #blessed #thankuLORD. Happy evening.”
Hayan na ang matibay na resibo para sa bashers ni Arjo, hindi na ito edited at higit sa lahat, nakalagay pa na miyembro na ng pamilya Atayde si Maine.
Hmmmm, may kinalaman kaya kay Maine ang “big announcement” ni Arjo sa 2020? Hindi kaya malapit na ring mag-propose ang award-winning actor sa kanyang girlfriend? ‘Yan ang dapat abangan!