Horoscope, Nov. 20, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga mong gawain sa kasalukuyan upang umangat ng todo ang kabuhayan. Sa lovelife, wag kang kabahan, mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Markahan ang 1, 4, 28, 25, 34, at 47. Green at red ang buenas. Suwerte sa initial na V. at C.
Aries – (Marso 21-April 19)—Upang wag mapahamak, iwasang mandaya ng kliyente. Sa lovelife, sa pamamagitan ng mahusay na boladas, mapapa-Oo mona ang kasuyong lagi na lang tumatanggi sa iyong mga binabalak. Markahan ng 5, 14, 20, 42, 47 at 49. Violet at green ang buenas. Suwerte sa initial na S. at B.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa bagong produktong may kaugnayan sa kumunikasyon at pagkain kikita ng malaking halaga. Sa lovelife, nanlalamig ang kasuyo, mamayang gabi painitin siya sa romansa. Markahan ang 1, 8, 17, 24, 34, 35. Red at purple ang buenas. Suwerte sa initial na C. at R.

Gemini – (May 21-June 21)—Tatlong bagay ang nagpapayaman: Ang pagdating ng kasuyong mapera; Ang pag-aabroad at ang pagnenegosyo. Alin man sa tatlo ang gawin mo, sa edad mong 50 pataas, mayamang-mayaman ka na! Markahan ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Silver at red ang buenas. Suwerte sa initial na S. at N.

Cancer – (June 22- July 22)— Huwag umasa sa iba, nasa mga kamay mo ang paraan upang umunlad at yumaman. Sa lovelife, kahit na may kasalanan ang kasuyo mas mainam pa rin na patawarin mo siya. Markahan ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Green at yellow ang buenas. Suwerte sa initial na D. at W.

Leo – (July 23 – August 22)—Huwag pansinin ang mga naninira sa iyo, masisira lang ang araw mo, inayos na ng langit ang magaganap, silang naninira sa iyo ang patuloy na mamalasin, habang ikaw naman na sinisiraan ay sunod-sunod at patuloy na susuwertehin. Sa lovelife, isang kaibigan ang nagtatangkang umagaw ng iyong minamahal. Wag kang papayag, ipaglaban ang kasuyong matagal mo nang kaulayaw. Markahan ang 6, 18, 28, 33, 45 at 48. Yellow at beige ang buenas. Suwerte sa initial na L. at B.

Virgo – (August 23 – September 22)—Pagpasensiyahan ang negatibong ugali ng kasuyo upang hindi ka mawalan ng partner ngayong papalapit pa naman ang pasko. Sa pinansiyal, isang kaibigang hindi matanggihan ang mangungutang, wala kang magagawa kahit hindi siya pagbigyan. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Blue at white ang buenas. Suwerte sa initial na G. at R.

Libra – (September 23-October 23)—Walang mabuting idudulot ang mga bagay na walang kabuluhan, tulad ng araw-raw na pagpe-Facebook. Kailangan magsimula ng munting negosyo na may kaugnayan sa pasko – magluto ng masasarap at kakaibang uto ng pagkaing pang-regalo. Markahan ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Blue at red ang buenas. Suwerte sa initial na R. at T.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Pakikipag-sosyalan ang kailangan upang wag ma-boring ang buhay. Bitbitin ang kayuso sa isang social gathering. Sa isang pagtitipon, pareho kayong kikita ng malaking halaga. Markahan ang 2, 17, 28, 33, 43 at 47. Lilac at green ang buenas. Suwerte sa initial na P. at B.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—May paglalakbay na mararanasan. Ang paglayo sa sariling bayan ang susi upang yumaman. Sa lovelife, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik, mainit na romansa ang kapalit. Markahan ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Violet at navy blue ang buenas. Suwerte sa initial na S. at T.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pagiging happy lagi ang masamang pakiramdam ay mapaparam. Lalo pang magtipid upang pagsapit ng pasko, marami kang pera. Sa lovelife, ang masarap na romansa ang pinaka-mabisang pampalakas ng immune system. Markahan ng 4, 8, 18, 27, 31, at 40. Black at orange ang buenas. Suwerte sa initial na N. at L.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kahit luhaan sa pag-ibig, sa pang-materyal naman tuloy ang dating ng magandang kapalaran. Upang makatagpo ng pang matagalang relasyon isa alang-alang silang isinilang sa buwan ng Oktubre na may birth date na 7, 16, o kaya’y 25. Markahan ang 3, 12, 21, 28, 39, at 47. Violet at pink ang buenas. Suwerte sa initial na V.at G.

Pisces – (February 19 – March 20)—Igalang ang naging desisyon ng kausyo. Sa pinansiyal at sa lovelife, hindi ikaw ang dapat nasusunod kundi ang iyong kasuyo upang mas madali kayong umunlad, yumaman at lumigaya. Markahan ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Red at beige ang buenas. Suwerte sa initial na

Read more...