Heart seksing-seksi pa rin kahit walang workout

HEART EVANGELISTA

Hindi pala nagwo-workout ang Kapuso actress na si Heart Evangelista. Ito ang inamin ng misis ni Chiz Escudero sa kanyang Instagram post.

Ayon kay Heart, name-maintain niya ang kanyang ideal weight sa pamamagitan lang ng diet food na kinukuha niya mula sa isang restaurant na puro healthy food ang inihahain.

“What I like about this place is even if it’s like diet food, it’s really good and I don’t workout I just have the diet food and I’ve maintained my weight,” pahayag ng Kapuso Queen of Creative Collaborations.

Ayon pa kay Heart, noong ikasal siya, she gained 20 pounds at ngayong naibalik na niya ang kanyang pre-marriage weight, mas madali na niya itong i-maintain with Dr. Food, ang diet meals mula sa in-house nutritionists ng favorite resto niya.

Read more...