Maine nakagawa na ng 9 TV commercial ngayong 2019; payaman nang payaman

MAINE MENDOZA

MABENTA pa rin si Maine Mendoza bilang celebrity endorser. Last week ibinalandra na ang announcement sa social media na si Meng ang bagong mukha ng isang sikat na shampoo brand.

Lutang na lutang ang ganda ng TV host-singer sa nasabing teaser ng ad sa social media lalo na nang ilugay na niya ang kanyang mahabang hair.

Sa pagbilang ng fans ng Phenomenal Star, nakasiyam na endorsements na si Meng this year, huh! Sa endorsements pa lang, talagang umaapaw na ang kaban ng kayamanan ng dalaga.

Eh, sa darating na Nov. 23, opening pa ng bagong branch ng global food chain na kanya ring ineendorso sa San Jose, Muzon.

Sa umaapaw na income ni Maine kada taon, siguradong number one tax payer muli siya sa BIR sa kanyang region for 2019!

Read more...