SUSUNOD ang Grab Philippines sa utos ng Philippine Competition Commission na ibalik sa mga pasahero nito ang P5.05 milyong sobrang singil mula Pebrero hanggang Mayo 2019.
“We respect the PCC and its mandate to protect the consumers in the Philippines and create a healthy competitive environment. Grab Philippines has worked closely with the PCC to form and finalize these voluntary commitments,” saad ng Grab sa pahayag nito.
Ayon sa Grab makikipag-ugnayan ito sa PCC sa pagbuo ng mechanics na gagamitin para sa pagbabalik ng sinasabing sobrang nasingil. Ang proseso ay isasapubliko umano limang araw bago simulan ang refund.
Iginiit naman ng Grab na sumusunod ito sa fare matrix na ipinalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
“Grab looks forward to fulfilling these voluntary commitments with the guidance and oversight of the PCC.”
Binigyan ng PCC ang Grab ng 60 araw para ipatupad ang refund. – Leifbilly Begas
MOST READ
LATEST STORIES