Palasyo kay Robredo: Pagiging drug czar maaaring bawiin kung…

NAGBABALA ang Palasyo kay Vice President Leni Robredo na maaaring bawiin ni Pangulong Duterte ang kanyang paggiging drug czar sakaling ibahagi ng pangalawang pangulo ang sekreto ng bansa sa mga banyagang grupo at indibidwal.

“The President stated that disclosing classified information of the Philippine government to foreign individuals and entities will cause the removal of the Vice President from her current post,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“Any appointment made by the appointing authority must be exercised strictly in accord with law and never diametrically opposed to the interest and security of the state,” ayon pa kay Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na sa ilalim ng Article 229 ng Revised Penal Code, isang krimen ang pagsisiwalat ng sekreto ng bansa.
Ito’y sa harap ng nakatakdang pakikipagkita ni Robrero sa mga anti-drug officials mula US at United Nations.

Itinalaga si Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“She may not realize it but she could be treading on dangerous grounds. It could be an overreach of the granted authority hence the reminder,” ayon pa kay Panelo.

Read more...