‘Narco list hindi dapat itago’

HINDI umano dapat itago sa publiko ang listahan ng high profile narcotics traders at users sa bansa.

Ito ang naging tugon ni Albay Rep. Edcel Lagman sa banta ni Pangulong Duterte kay Vice President Leni Robredo na mananagot ito kung ikakalat ang “state secret” na makukuha nito bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

“But why should the narco list of high profile narcotics traders and users as well as the records of those involved in extrajudicial killings related to the brutal war on drugs be elevated to the status of ‘state secrets’?” ani Lagman sa isang pahayag.

Naniniwala rin siya na alam ni Robredo kung ano ang dapat at hindi dapat isapubliko sa mga malalaman nitong detalye.

“Robredo knows only too well that ‘state secrets’ must not be made public nor shared with unauthorized persons in order not to jeopardize national security and she would treat classified information given to her as confidential.”

Sinabi ni Lagman na sa ibang bansa, isinasapubliko ang listahan ng mga kriminal upang makatulong ang publiko sa paghuli sa mga ito.

“No less than Duterte has previously released on several occasions the names of high profile suspects in the drug list which included businessmen, politicians, generals and police officers, among others.”

Read more...