Suzy, Park Bo Gum magpapakilig sa ‘Wonderland’

KOREAN word for the week: “Oneul” – sa Ingles ito ay “today” at sa atin naman ay “ngayong araw.”

q q q

Tila walang pahinga ang sikat na Korean actress na si Suzy dahil bukod sa mga drama series, nakatakda niyang simulan ang upcoming film na “Wonderland” kasama ang isa pang Korean superstar na si Park Bo Gum.

Inaalok din ang celebrities na sina Jung Yu Mi at Choi Woo Shik para makasama nina Suzy at Bo Gum sa proyekto. Magiging director naman ng pelikula si Kim Tae Yong.

Kwento ang “Wonderland” ng isang simulated universe kung saan maaaring makita at makausap muli ng mga tao ang kanilang mahal sa buhay na hindi nila nagagawa sa totoong buhay.

Gaganap sina Suzy at Bo Gum bilang young couple na hindi na makakapag-communicate sa totoong buhay matapos ma-coma ang karakter ng aktor.

Gaganap naman ang mga karakter nina Yu Mi at Woo Shik bilang kumukontrol sa mga nangyayari sa simulated world na tinatawag na Wonderland.

Magsisimula ang shooting nito sa unang bahagi ng 2020.

Bukod sa “Wonderland,” patapos na rin ang Korean hit series ni Suzy na Vagabond, na susundan naman ng Sandbox sakaling tanggapin ang role sa upcoming K-series.

Huli namang napanood si Bo Gum sa hit series na Encounter kasama ang Korean superstar na si Song Hye Kyo. Napanood din si Bo Gum sa hit series na Reply 1988 at Love in the Moonlight.

Read more...