Seo Kang Joon, Park Min Young bibida sa bagong romantic drama

MAGSASAMA ang Korean heartthrob na si Seo Kang Joon at magaling na aktres sa upcoming romantic drama na ‘I’ll Go to You When the Weather Is Nice.

Makakasama nina Kang Joon at Min Young ang rising rookie actor na si Lee Jae Wook.

Kwento ang I’ll Go to You When the Weather Is Nice ni Hye Won (Min Young) na isang ordinaryong babae na tumutugtog na ng cello simula pagkabata.

Dahil sa naranasan, walang tiwala si Hye Won sa mga tao. Nagdesisyon siyang iwan ang Seoul at bumalik sa kanyang hometown sa Bookhyun Village. Doon niya nakilala si EunSeob (Kang Joon). Pinapatakbo niya ang isang bookshop.

Nagbago ang buhay ni EunSeob nang makilala si Hye-Won.

Gaganap naman si Jae Wook bilang Lee Jang Woo, ang kaibigan ng ni Eun Seob.

Nakatakdang mapanood ang ‘I’ll Go to You When the Weather Is Nice” sa unang bahagi ng 2020.

Read more...