BAHAGYANG bumilis ang pag-usad ng bagyong Ramon na patuloy ang paglapit sa kalupaan ng bansa.
Bukod sa bagyong Ramon, binabantayan rin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang isang low pressure area na papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Martes.
Dahil malayo pa ang LPA ay inaasahang magiging bagyo habang papalapit sa kalupaan. Ito ay nasa layong 2,210 kilometro sa silangan ng Visayas noong Linggo. Papangalanan itong bagyong Sara kapag pumasok sa PAR.
Samantala, ang bagyong Ramon ay inaasahang magbubuhos ng ulan sa maraming lugar sa hilagang Luzon. Posible itong mag-landfall sa gabi ng Lunes o Martes ng umaga. Hinina ito pagpasok sa kalupaan at maaaring maging isa na lamang LPA.
Ngayong araw, ang bagyo ay nasa layong 285 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Aurora. Ang hangin nito ay umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis at may pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Ito ay umuusad ng 15 kilometro bawat oras kahapon ng hapon mas mabilis sa 10 kilometro bawat oras na naitala Linggo ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.