Horoscope, Nov. 17, 2019 | Bandera

Horoscope, Nov. 17, 2019

Madam Sophia - November 17, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ipagpatuloy ang kasalukuyang proyekto. Sa darating na Disyembre malaking halaga ng salapi ang makakamit. Sa lovelife, sa sandaling nakahawak ng maraming-maraming pera, wag kalilimutan ang pangako sa iyong kasuyo. Markahan ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Green at white ang buenas. Suwerte sa initial na P. at V.
Aries – (Marso 21-April 19) — Tandaang walang kabuluhan ang pagiging sikat kung lagi ka namang walang pera. Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasikatan. Sa lovelife, paligayahin ng husto ang kasuyo sa pamamagitan ng salapi at romansa. Markahan ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Red at pink ang buenas. Suwerte sa initial na A. at M.
Taurus – (April 20-May 20) — Isang Capricorn ang makakatulong upang ma-solve ang problema. Sa lovelife, bubuhayin ang iyong libido ng isang Scorpio masarap na romansa ang kasunod. Markahan ang 6, 16, 25, 34, 38 at 45. Yellow at green ang buenas. Suwerte sa initial na G. at H.
Gemini – (May 21-June 21) — Panatiliin ang ugaling pagiging mabait. Sa pinansyal at sa lovelife, habang tumutulong sa kapwa, lalo namang sasagana ang kabuhayan at mas magiging maligaya ang lovelife. Markahan ang 7, 15, 22, 34, 40 at 49. Green at orange ang buenas. Suwerte sa initial na S. at D.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag hawahan ng hina ng loob ang kasuyo. Lalo lang siyang maduduwag. Ikaw ang magsimula ng initiative upang kapwa kayo umunlad at lumigaya. Markahan ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Black at red ang buenas. Suwerte sa initial na J. at K.
Leo – (July 23 – August 22) — Upang lalong tumatatag ang relasyon laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Sa negosyo, bago matulog wag kakalimutang magdasal at hilingin sa Diyos na yumaman na ng mayamang-mayaman, upang kapag mayaman ka na mas marami kang matulungan. Markahan ang 6, 12, 30, 33, 39 at 49. Blue at silver ang buenas. Suwerte sa initial na C. at R.
Virgo – (August 23 – September 22) — Upang hindi ka kainggitan, iwasan ang labis na kadaldalan. Sa pinansyal, hindi kailangan ang maraming kuwento upang kumita ng malaking halaga, ang mas mahalaga ay ang katapatan. Markahan ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Gold at purple ang buenas. Suwerte sa initial na L. at P.
Libra – (September 23-October 23) — Kung ang iba ay nagsisikap upang umunlad at sumagana, ang sa iyo ay kakaiba. Kahit hindi ka magsikap at magsipag, basta’t magpaganda ka lang, bubuhos na agad sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 2, 8, 16, 25, 34 at 43. Green at yellow ang buneas. Suwerte sa initial na C. at A.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Upang pumasok ang suwerte, panatiliing bukas ang bintana sa gawing silangan ng inyong bahay. Sa bukas na bintana, papasok ang suwerte at magandang kapalaran. Markahan ang 7, 14, 23, 32, 41 at 45. Blue at beige ang buenas. Suwerte sa initial na T. at V.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang maiwasan ang anomang uri ng karamdaman, kumain sa tamang oras at wag magpapakagutom. Sa pinansyal at sa lovelife, nangangati na naman ang iyong paa at kamay upang mag-shopping. Sa pagsha-shopping, iwanan muna ang kasuyo sa bahay, upang walang kontra ng kontra habang namimili. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Blue at orange ang buenas. Suwerte sa initial na X. at P.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Tumira ka sa malapit sa nature, upang umunlad ang kabuhayan at humaba pang lalo ang iyong buhay. Sa lovelife, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa – pagpasok nya ng pintuan halikan mo agad. Markahan ang 4, 9, 17, 34, 40 at 45 Green at white ang buenas. Suwerte sa initial na W. at E.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi dapat takasan ang obligasyon sa pamilya dahil sa bandang huli ang mga kapamilya mo rin ang tutulong sa iyo upang maabsuwelto sa mga problema. Sa lovelife, hindi mo matatakasan ang isang Libra, mananatili siyang bahagi ng buhay mo. Markahan ang 7, 16, 25, 29, 43 at 49. Red at lilac ang buenas. Suwerte sa initial na U. at V.
Pisces – (February 19 – March 20) — Panahon na upang salubungin ang bagong araw ng may ngiti at galak sa iyong puso. Sa ganyang paraan, ngingiti rin ang pag-unlad. Sa lovelife, ngitian ang masungit na kasuyo upang maibsan ang kanyang sama ng loob at gumaang ang kanyang mga pasanin sa buhay. Markahan ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Green at magenta ang buenas. Suwerte sa initial na R. at E.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending