Nigerian dakip sa swindling

ARESTADO ang isang Nigerian na sangkot umano sa swindling, nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa isang mall sa Trece Martires City, Cavite, nitong Biyernes.

Nadakip si Chimaobi Michael Orjianya, 29, pansamantalang naninirahan sa Dasmarinas City, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Dinampot ng mga pulis ang banyaga nang tanggapin nito ang P380,000 mula sa isang utusan.

Umabot na sa P8 milyon ang kabuuang halaga ng nakulimbat ni Orjianya mula sa isang Pilipino, na kanyang kinarelasyon gamit ang pekeng pangalan na Raymond Santos, sa Facebook, ayon sa pulisya.

Read more...