Francine Diaz grabe ang kiliti sa paa; Kyle Echarri pang-asar

KYLE ECHARRI AT FRANCINE DIAZ

Matindi pala ang kiliti sa paa ni Francine Diaz.

“Ako po malakas ang kiliti ko sa paa pero siyempre kailangan kong pigilan ‘yun para sa eksena. Kaya po minsan kapag kailangan seryoso ang mukha ko tapos hawak niya ang paa ko, talaga pong nagka-cut kami kasi hindi ko talaga kaya. Mahirap kong pigilan,” say ni Francine sa isang eksena sa iWant digital movie na “Silly Red Shoes”.

“‘Yung pinakaunang eksena na pinakita niya ang mga paa niya, nahiya po siya. Sabi niya, ‘wag, ‘wag mabaho,” kuwento ni Kyle Echarri na leading man ni Francine.

“Hoy, hindi ganoon ang sinabi ko. Ang sama mo. Sabi ko nakakahiya kasi hindi pa ako nakakapag-cut ng nails,” sagot ni Francine.

“Actually, noong araw na bago kami mag-shooting, nagpalinis siya ng kuko,” chika ni Kyle.

Read more...