Fans ni Alden nagwala, kontra sa guesting ni Sen. Bong sa The Gift; Lolit Solis umalma

ALDEN RICHARDS AT BONG REVILLA

NAGWALA ang fans ni Alden Something dahil nilait sila ni Lolit Solis na naimbiyerna dahil binash ang alagang si Bong Revilla matapos lumabas ang chikang magge-guest ito sa teleserye ni Alden.

“Naku ha, hindi ako naniniwala na fans ni Alden Richards iyon mga nagsabi na NO kay Bong Revilla na mag-guest sa The Gift. Iyon mga tunay na nagmamahal kay Alden alam kung paano inalagaan ni Bong si Alden nung bago pa lang ito at nakasama niya sa tv at pelikula.

“Madalas purihin ni Bong ang pagiging matiyaga ni Alden, pagiging masipag, at lagi niya sinasabi na malayo ang mararating nito. Si Lani Mercado nga kaya pumayag lumabas na nanay ni Maine Mendoza sa pelikula dahil fan ng AlDub.

“Iyon mga nagpasimuno ng NO sa guesting ni Bong Revilla sa The Gift mga galit kay Alden at gusto lang ako inisin hah hah. Paano tatalab sa akin pang-iinis nila eh sila nagsabi NO sa Alden/Kathryn Bernardo pero naging topgrosser ito. Sila rin nagsabi galit sila kay Maine Mendoza pero popular pa rin ito?

“Hay naku, matakot ako sa inyo kung meron kayong TV station at movie production o kaya may pera kayo ginagasta para manood ng sine o baka naman kahit TV wala kayo kaya NO sa guesting ni Bong sa The Gift kasi ‘di nyo mapapanood dahil koreanovela pinapanood ng kapitbahay n’yong may TV kaya nganga kayo or baka naman gusto n’yo panoorin sex video na lang?

“Hay buhay, bakit hanggang ngayon akala ng tao marami pa rin kasing bobita nila na magiging biktima ng pananakot nila sa trending kuno or bashing na hindi na epektibo. Isip naman kayo ng bago, luma na iyan at hindi na paniniwalaan. Dami nga trending daw wah naman kita sa takilya, trending daw wah naman rating.”

Mismong sa kanyang IG account ay nilait siya ng kanyang followers.
“Lolit at your age, you should have learned a lot of lessons. remember your take it take it scam which you masterminded? but sadly, you didnt. hindi sa pera lang nabubuhay ang tao. bumalik ka sa Panginoon para masave ka.”

“MORE IMPORTANTLY, I AM A LEGITIMATE AND THINKING FAN OF ALDEN RICHARDS WHO LOVES MY COUNTRY.”

“Hindi porke fan ng isang artista, aalisin na ng fan ang dangal, prinsipyo at respeto sa sarili. Hindi lang pera ang mahalaga. Hindi lahat ng tao nasasarapan kumakain ng galing sa nakaw. Iba kayo…iba sila.”

“We are fans of Alden and we also support the #NoToBongRevillaOnTheGift. Naniniwala kami na hindi akma ang values ng show sa sa imahe na meron si Bong Revilla. We are very sorry to inform you, hindi kami nagpatrend lang para inisan ka, pero para protektahan ang show at si Alden.”

“Gagamitin niyo lang ang show para linisin at pagandahin imahe niya sa mga tao for political purposes.

Hindi po gamit si Alden. Tao siya. Kung gusto maglinis ni Bong Revilla ng pangalan niya, wag sa show ni Alden or sa serye. Sa korte niya linisin pangalan niya. “

Read more...