Maricel sa The Heiress: May plano ang Diyos kaya hindi kami napili sa MMFF, malay n’yo…

MARICEL SORIANO

HULING ginawa ni Maricel Soriano ang family comedy movie na “My 2 Mommies” last year for Regal Entertainment.

Sa muling paggawa ng pelikula sa Regal Films nina Mother Lily at Roselle Monteverde, horror naman ang tema ng bago niyang movie, ang “The Heiress”.

Sa totoo lang, kahit maraming producers ang gustong kumuha sa kanya para gumawa ng movie, Regal pa rin ang priority niya. Rason ni Maria, “I can’t say no to Mother kahit mahihilig siya sa magaganda at mapuputi noon! Ha! Ha! Ha!”

Of course, hindi na lihim ang sobrang pagmamahal ni Mother Lily kay Maricel na sa Regal Films talaga nagsimula at sumikat nang todo kaya nang may bagong offer na horror film sa kanya, pasok agad ito sa Diamond Star!

“Naku, kung puwede lang hindi magpabayad sa kanya gagawin ko! Kahit libre. Pero huwag naman! Nanay ako at may mga anak din! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Mary sa grand reveal mediacon ng “The Heiress”.

Walang isyu sa Diamond Star kung hindi man nakapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival ang “The Heiress”. Naniniwala siya sa may dahilan kung bakit sila nalaglag Magic 8 ng taunang filmfest.

At dahil nga riyan, inagahan na lang ng Regal ang playdate nito, mananakot na ang “The Heiress” sa Nov. 27 nationwide. Makakasama rin dito sina Janella Salvador, Sunshine Cruz at McCoy de Leon.

“May plano ang Diyos kaya hindi ito napili. So, sabi ko naman, hindi naman namin puwedeng kuwestiyunin kung ano ang plano ni God, di ba? Malay mo, mas malaki kitain at lalo naming mapapasaya si Mother.

“’Yun lang ang gusto namin. Maging masaya si Mother sa resulta ng pelikula! Hindi pa rin tumitigil si Mother sa pagpo-produce. Part pa rin siya ng industry! Formula pa rin ni Mother!” rason ng Diamond Star.

Dahil namamayani ang takot sa ibang artista na makasama siya sa pelikula, ang hiling ni Mary para mawala ang takot ng mga ito sa kanya, “Sana magkaroon muna kami ng bonding before we start. May foundation na kayo,” saad pa ni Maria.

Hindi naman daw siya ang tipo ng artista na basta na lang pinagsasabihan ang co-stars kung ano ang dapat gawin.

“Ang sinasabihan ko lang ‘yung humihingi ng tulong sa akin. ‘Yung hindi, hindi na ako pumupunta roon,” say pa niya.

Eh, ano ang ginagawa niya sa mga artistang may attitude problem? “Wala! Dedma! Pag okey ‘yung artista, ako na ang lumalapit sa kanila. Pag medyo mahangin dito, eh doon tayo sa aircon! Mas mahangin!” deklara ng Diamond Star.

Read more...