Ethel Booba 6 months pregnant na: Ang saya-saya ng Pasko ko ngayon!

SIX months pregnant na ang singer-comedienne na si Ethel Booba courtesy of her non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

Ibinandera ng komedyana ang good news sa pagbabalik niya sa It’s Showtime matapos itanghal bilang unang celebrity grand champion sa Tawag ng Tanghalan.

“Double celebration, double congratulations to me,” simulang pahayag ni Ethel sa Kapamilya noontime show.

“Ito na nga! Six months (nang buntis),” emosyonal na pahayag ng stand-up comedienne. “Parang ang saya-saya ng pasko ko ngayon,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, humingi rin ng paumanhin si Ethel Booba sa naging performance niya sa grand finals ng TNT. Aminado ang komedyana na hindi niya naibigay ang kanyang 100% sa TNT dahil nga hindi na maganda ang pakiramdam niya.

“Pasensiya na ha, hindi ako makabuga ang sakit talaga ng puson ko,” mensahe pa ni Ethel.

“Kaya nahiharapan ako kumanta kasi parang lalabas yung bahay-bata ko,” biro pa niya.

Samantala, sa naging guesting naman ni Ethel sa Tonight with Boy Abunda”, sinabi niyang super happy ngayon ang kanyang lovelife at umaasa siyang si Jessie na nga ang kanyang “forever.”

“Oo siya na talaga. Ready na nga ako e,” sagot naman ni Ethel sa tanong kung ready siyang pakasalan si Jessie.”

Read more...