Padaca guilty sa graft at malversation- Sandiganbayan

GUILTY ang hatol ng Sandiganbayan Third Division kay dating Isabela Gov. Grace Padaca sa kasong malversation at graft kaugnay ng iregularidad umano sa P25 milyong agricultural fund na inilagay nito sa isang non government organization noong 2006.

Si Padaca ay hinatulan ng 12-14 taong pagkakakulong sa kasong malversation at anim hanggang 10 taong pagkakakulong sa graft.

Pinayagan naman ng korte na maglagak si Padaca ng dagdag na P70,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang hindi pa pinal ang desisyon.

Ang kaso ay kaugnay ng pagbibigay umano ng P25 milyon ng Isabela provincial government bentahe sa Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation Inc., isang non-governmental organization, para sa pagpapautang sa mga magsasaka ng Isabela. Hindi umano ito dumaan sa tamang proseso.

Itinanggi ni Padaca na may napuntang pondo sa kanya.

“I don’t even know what to say, yung P25 million na yun ni isang sentimo walang naputna sa akin, lahat napunta sa magsasaka ng Isabela,” ani Padaca.

Read more...