ANGEL inisnab sa 100 most beautiful stars, die hard fans nagwala sa sobrang galit


NAGNGINGITNGIT daw sa galit ang fans ni Angel Locsin dahil hindi nakasama ang idol nila sa   YES! 100 Most Beautiful Stars.
Talaga raw nagwawala ang mga tagahanga ni Angel dahil isa si Marian Something sa napasama sa A-listers ng 100 Most Beautiful Stars.

Together with Marian in the list were her boyfriend Dingdong Dantes, Coco Martin, John Lloyd Cruz,  Gerald Anderson, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Angelica Panganiban,  Kim Chiu and Anne Curtis.

Ang feeling ng maka-Angel ay unfair iyon para sa kanilang idol dahil beautiful naman ito at karapat-dapat na mapasama sa   listahan ng magaganda.

Sa galit daw ng Angel fans ay kung anu-ano ang pinagsasabi nila kay Marianita na wala naman siyempreng kasalanan kung bakit napasali siya sa 100 most beautiful sa showbiz.

Actually, si Angel ay wala ring kinalaman sa galit ng fans niya. Pero hindi tamang sabihin ng Marianita fans na insecure at jealous si Angel dahil hindi ito napabilang sa listahan.

Come to think of it, mas accomplished si Angel kesa kay Marianita, ‘no kaya magtigil na kayo sa mga ilusyon n’yo. Sa commercials na lang, meron bang umeereng TV ad si Marianita?

Sa acting awards na lang, hindi ba’t naka-isa pa lang si Marianita na pinagdudahan pa dahil ilan lang pala ang bumoto sa kanya samantalang nakailang awards na si Angel.

Sa career trajectory ay walang panama talaga si Marianita kay Angel, ‘no, kaya magsitigil ang fans ni Marianing sa panlalait kay Angel.

Pero ang tanong, bakit nga ba inisnab ng Yes ang beauty ni Angel? Napolitika ba ang aktres? O, talagang di lang feel nila feel na isalinsi Angel sa kanilang magazine?

Paano naman kasing nangyari na wala ang namesung ni Angel doon samantalang napakaraming starlet ang napasama? Nakakaloka nga naman ang eksena, di ba?

( Photo credit to Google )

Read more...