LOVI sawang-sawa na sa lalaki: Gusto kong mag-travel mag-isa!


PARANG nagsawa na si Lovi Poe sa pakikipagrelasyon sa lalaki! No, hindi naman namin sinasabing mas type na niya ang makipagtomboyan sa kapwa babae, pero feeling namin, hindi na siya ‘yung tipo na hindi mabubuhay kapag walang boyfriend.

Mas sumeksi at mas gumanda pa lalo si Lovi nang makachikahan namin siya noong Linggo kasama ang ilan pang members ng entertainment press sa RYU Ramen House sa Tomas Morato, Q.C., at ipinagdiinan niya na wala talaga siyang dyowa.

“Wala talaga. Promise! I don’t even have suitors now. Parang loveless talaga. I’m just focused sa work. Wala, e, I have no time din, e.

I don’t know, pero parang hindi siya (lovelife) talaga ang priority ko ngayon,” pahayag ng Primera Aktresa ng GMA 7 na malapit nang mapanood sa bagong primetime series ng Kapuso network na Akin Pa Rin Ang Bukas opposite Cesar Montano and Rocco Nacino.

So, wala na talagang namamagitan sa kanila ni Jake Cuenca na  abot-langit ang pagmamahal sa kanya noon? Naging issue rin kasi ang diumano’y pagdededmahan nila ng aktor sa ginanap na 100 Most Beautiful Stars press launch ng Yes magazine.

Kung last year, siya ang binanggit ni Jake na “pinakamagandang babae” sa showbiz, ngayong taon, si Jessy Mendiola na, ang leading lady niya sa remake ng Maria Mercedes.

“Wala, ako…I don’t have problem with him naman, e. Wala naman, e. We don’t get to talk anymore. Matagal na kaming hindi nag-uusap. We don’t get to hang out anymore. But he’ll always remain a good friend,” depensa ng aktres.

Sinundot namin ito ng tanong kung binasted ba niya si Jake kaya bigla na lang itong tumigil sa panliligaw sa kanya, at natawa lang si Lovi. Alam n’yo na! Ha-hahaha!

At ngayong single si Lovi, gusto niyang makapag-travel kasama ang kanyang mga kaibigan, “Now, I just wanna work and travel. Alone! Ha-hahaha! Hindi gusto ko rin kasama ang mga girl friends ko.”

Hindi ba mas masarap magbakasyon kung may kasamang boyfriend? “Wala, ganun ako, e. I’ll enjoy it with my girlfriends. I don’t feel controlled. Ha-ha!”

Tinanong din si Lovi kung ano ba talaga ang requirements niya sa pagkakaroon ng dyowa? “Gusto ko, importante, may sense of humor, may ambisyon sa buhay, and matalino.

Pero ngayon talaga, hindi ko naiisip. Kasi after everything I’ve been through,” pabitin niyang tugon. Tungkol naman sa ex-BF niyang si Ronald Singsong, aniya, magkaibigan pa rin sila at hindi rin ito nanliligaw.

Malapit nang magsimula sa GMA TeleBabad ang Akin Pa Rin Ang Bukas, pati ang docu-drama niya sa GMA News TV na Titser na eere na sa Aug. 5. Bukod pa diyan, may Cinemalaya entry din siya, ang “Sana Dati” na may gala night ngayong gabi sa CCP

Main Theater, plus, ang Sineng Pambansa film nilang “Lihis: kung saan makakasama niya sina Jake Cuenca at Joem Bascon na gaganap na mga rebeldeng komunista pero mga bading pala.

Samantala, ikinuwento rin ni Lovi ang  role niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas, gagampanan niya ang papel ni Lovelia. “Ano kasi siya e parang anak siya sa pagkadalaga, so may struggles siya.

Kakawawain ako ni tita Helen (Gamboa). Lola ko siya du’n, e. Basta, maganda yung script. Tapos makakasama ko pa si Mr. Cesar Montano na napakagaling na artista,” sey nito.

Para sa huling tanong ko kay Lovi, sakaling lumipat na nga si Marian Rivera sa ibang network, ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabi na siya na ang pwedeng maging Primetime Queen ng Siyete?  “Ay, hindi ko naiisip yun. Sa kanya yun, e.”

( Photo credit to Google )

Read more...