Bastos na basher na nagbanta sa Twitter sinampolan ni Jim: Please report bullies
PINAYUHAN ng veteran singer na si Jim Paredes ang madlang pipol na mag-report agad sa kinauukulan kapag nakatanggap ng pambabastos o pambu-bully mula sa mga bashers sa social media.
Nag-tweet ang singer-composer at ipinaalam sa kanyang followers na mabilis ang naging tugon ng Twitter sa kanyang reklamo. “Pls report anyone who threatens, curses, bullies or insults you.
“Twitter immediately acts on such reports and forces them to erase tweets or closes accounts within a few hours,” bahagi ng tweet ni Jim Paredes.
Hindi niya binanggit kung ano ang naging reklamo niya sa Twitter pero ang paniwala ng mga netizens ay may kinalaman ito sa pagbatikos niya kay Sen. Bong Revilla na diretsahan niyang kinontra ang pagbabalik-telebisyon ng aktor-politiko. Dahil dito, binanatan siya nang todo ng mga tagasuporta ng senador.
May iba namang nagsabi na baka raw may kinalaman dito ang mga tweet niya laban sa “mga bastos na kritiko” ni Vice President Leni Robredo.
Pero may isang Twitter follower ang veteran OPM singer ang nagsabi na posibleng may konek ang reklamo nito sa pambabastos at pagbabanta sa kanya ng isang netizen nitong nakaraang linggo.
Kalakip ng tweet ni Jim ang screenshot ng private message ng netizen sa Facebook, “Brad no joke kung ako makakita sa yo sa labas pahiya ka sa kin sigurado yon. Ihahamapas ko face mo sa pader.”
Dahil dito, agad na nag-report sa Twitter si Jim at mabilis naman itong inaksyunan. “We’ve locked the account for breaking our rules.
“The account does have the option to take the actions we’ve requested to have their account unlocked,” bahagi ng sagot ng Twitter sa reklamo ni Jim Paredes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.